Naitala ng Pangasinan Police Provincial Office ang bahagyang pagtaas ng naitatalang firearms related incidents sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinabi ni PMaj. Arthuro Melchor, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, abot sa humigit kumulang 20% ang mga firearms related incidents ngayon taon kumpara sa nakaraang taon.
Paglilinaw naman ni Melchor na ang mga shooting incidents sa lalawigan ay agad na nareresolba at sa katunayan aniya, maituturing na nasa 95% resolve, solve or cleared ang mga kaso na ito at naifile nila sa korte.
Nagsasagawa umano sila ng case conference kasama ang mga hepe ng bawat bayan at siyudad kasama ang mga chief investigators upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima dito.
Samantala, umaasa ang opisyal mareresolba ang mga kasong ito bago sumapit ang eleksyon upang bigyan ng solusyon ang pending, under investigation ng mga kaso.