FIRECRACKER ZONE SA DAGUPAN CITY, INISPEKSYON

Personal na ininspeksyon ng hanay ng kapulisan ang mga bentahan ng paputok sa lungsod ng Dagupan, kahapon.

Tinungo ni PangPPO Provincial Director, PCol. Rollyfer Capoquian at ni Dagupan City Police Chief, PLtCol Brendon Palisoc ang 32 stalls na nakapuwesto sa itinalagang firecracker zone sa tapat ng NBI sa Brgy. Poblacion Oeste.

Sa paglilibot ng awtoridad, wala naman silang nakitang nagbebenta ng iligal na paputok, gayundin ay tiniyak ng mga ito na tumatalima ang mga nagbebenta dahil kumpleto umano ang mga ito sa permits at may mga nakahanda ring fire extinguishing devices, tulad ng tubig, buhangin at fire extinguishers.

Samantala, nanawagan naman ang asosasyon ng mga nagbebenta ng paputok na paigtingin ang pagbabawal sa mga iligal na nagbebenta na inaasahan umanong pupuwesto sa lugar ngayong araw.

Pagsisiguro naman ng pulisya ang tugon sa hinaing na ito, kung saan kukumpiskahin ng awtoridad ang mga mahuhuling iligal maging ang pagbebenta ng iligal.

Siniguro naman ni Dagupan City PNP Chief PLtCol Brendon Palisoc na sapat ang nakakalat na pulis para sa mapayapang pagsalubong ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments