Firing squad sa mga drug trafficker, isusulong ni Senator elect Bato Dela Rosa

Isusulong pa rin ni Senator elect Ronald Bato Dela Rosa ang death penalty bill sa Senado.

 

Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa  hindi nagbabago ang kanyang posisyon na patawan ng parusang kamatayan ang mga drug trafficker sa bansa.

 

Aniya, nais nya ipa-firing squad sa plaza ang mga drug trafficker para hindi na gayahin pa.


 

Gusto nya rin daw na i-cover ito ng  media para mapanuod at magsilbing babala sa mga kriminal.

 

Alam raw ni Dela Rosa na may mambabatikos sa kanyang panukala lalo na ang Commission on Human Rights ngunit hindi raw sya magpapaapekto dahil lagi namang may negatibong sinasabi ang CHR sa kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad.

Facebook Comments