First aiders na sumailalim sa training ng Philippine Red Cross ngayong taon, umabot sa 43,000

Umabot sa higit 43,000 first aiders ang sumailalim sa training sa Philippine Red Cross.

Ito ay sa kabila ng patuloy nating kinahaharap na COVID-19 pandemic.

Ayon sa PRC, malaking tulong ang 43,206 first aiders ng PRC para sa pagtugon ng mga emergency services sa mga bahay at trabaho.


Samantala, nagmula ang mga first aiders sa lahat ng rehiyon sa buong bansa na binubuo ng 13,918 dito sa National Capital Region, 5,401 sa Northern Luzon, 4,138 sa Central Luzon, 4,473 sa Southern Tagalog, 1,869 sa Bicol Region, 6,805 sa Visayas at 6,602 sa Mindanao.

Sinabi naman ni PRC Chairman at Senator Richard gordon na isang mahalagang humanitarian act ang basic first aid skills lalo na’t hindi naman tiyak kung kailan ito kakailanganin.

Sa mga gusto namang sumali sa first aid training course ng PRC online, mangyari lamang na mag-email sa safety@redcross.org.ph.

Facebook Comments