FIRST BABY | Youngest Prime Minister ng New Zealand, umamin na tatlong buwan nang buntis

New Zealand – Inanunsyo ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na siya ay nagdadalang tao na sa kanilang first baby.

Ayon kay Ardern, nalaman niyang buntis na siya noon pang Oktubre 2017 pero inilihim muna nila ito ng kanyang partner na si Clarke Grayford.

Inatasan naman ni Ardern si Deputy Prime Minister Winston Peters na maging acting prime minister sa loob ng anim na linggo matapos ang kanyang panganganak.


Sa edad na 37, si Ardern ang naging pinakabatang babaeng punong ministro ng New Zealand matapos itong suportahan ng Left-Wing na Labour party.

Facebook Comments