Sa Pilipinas at hindi sa labas ng bansa gugugulin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Pasko.
Ayon sa Pangulo, makaraan ang isang linggo na puno ng engagements, inaasam-asam na niyang magkaroon ng “quiet time” at basahin ang kaniyang unfinished books.
Lahat aniya ng mga Pilipino ay maaaring magamit ang maikling bakasyon na ito ng Christmas at New Year season.
Ngayong araw ay nasa Baguio at Ilocos lamang ang First Family para ipagdiwang ang Pasko.
Hindi aniya maaring lumayo sa Metro Manila ang Pangulo dahil baka may hindi inaasahang mangyayari.
Samantala, bago naman matapos ang araw na ito ay agad siyang babalik ng Malacañang dahil wala aniyang holiday break ang pagiging Pangulo.
Facebook Comments