Itinalaga ng Girl Scouts of the Philippines si First Lady Atty. Louise Araneta Marcos bilang Chief ng Girl Scout of the Philippines at isinagawa ang investiture ceremony kanina sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa talumpati ng First Lady sa seremonya, sinabi nitong hindi sya mapapagod na gawin ang kanyang misyon bilang Chief Girl Scout of the Philippines para sa mga kabataang kababaihan.
Tutulong aniya sya sa paghubog ng mental, emotional at social qualities ng mga kabataang kababaihan.
Ang Girl Scouts of the Philippines ay nabuo noong May 1940 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 542.
Batay sa 2017 data ng Girl Scouts of the Philippines aabot na sa 800,000 girl scouts mayroon sa bansa.
Facebook Comments