Pagbubunyag sa pagkakakilanlan ng 2 masterminds sa Percy Lapid killing, ipinauubaya na ng DOJ sa NBI at PNP

Dumistansya si Justice Sec. Crispin Remulla sa usapin ng pagsisiwalat sa 2 masterminds sa pagpatay kay radio commentator Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, ipinauubaya na niya sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang pagsasapubliko sa mga utak sa pagpatay kay Lapid.

Sinabi ni Remulla na sa ngayon ay hindi rin nila maaaring ibunyag ang pangalan ng dalawang masterminds sa krimen dahil may mga tinatapos pa sa imbestigasyon.


Anila, ayaw naman nilang malabag ang karapatan ninuman.

Nilinaw naman ng kalihim na halos tapos na ang imbestigasyon ng NBI at PNP sa nasabing kaso.

Facebook Comments