First Lady Liza Araneta-Marcos, sinaksihan ang paglagda sa mga kasunduan ng Pilipinas at UAE sa Dubai

Nilagdaan ng Pilipinas at United Arab Emirates ang tatlong kasunduan sa sidelines ng World Governments Summit sa Dubai.

Sinaksihan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pirmahan sa pagitan nina Justice Sec. Boying Remulla at Justice Minister His Excellency Abdullah Sultan bin Awad Al Nuaimi.

Ang mga kasunduan ay may kinalaman sa extradition, mutual legal assistance in criminal matters (MLAT), at ang paglilipat ng nasentensyahang indibidwal.


Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang mga kasunduang ito at nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang bansa na mapalakas ang legal cooperation at matiyak ang hustisya.

Samantala, sinelyuhan din ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga at opisyal ng UAE ang Memorandum of Understanding on Reducing Plastic Waste Leakage to the Oceans in the Philippines na layong labanan ang plastic pollution.

Si First Lady Liza Araneta Marcos ang naging kinatawan ng bansa sa World Governments Summit, na isang global na pamantayan para pagbutihin ang gawain ng pamahalaan at bumuo ng mga estratehiyang magpapalakas sa international cooperation.

Facebook Comments