February 15, 2019 | Dinagsa ng mahigit sa inaasahang bilang ng mga aplikante ang Valenzuela City Astrodome sa isinagawang PESO Job Fair sa naturang lungsod.
Kaugnay ito ng pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ng dati’y munisipyo ng Valenzuela.
Sa 100 kumpanya na inimbitahan ng Valenzuela PESO, 78 ang tumugon dito.
Bago magsimula ang mismong Job Fair, isang maikling programa ang isinagawa kung saan, masayang ibinahagi ni Ms. Josephine Osea, Manager ng Valenzuela City PESO ang tungkol sa job opportunity announcements ng DZXL Radyo Trabaho at masayang inimbitahan ang mga dumalo na makinig mula umaga hanggang hatinggabi.
Humigit kumulang sa 700 aplikante ang nagbakasakali na magkatrabaho. Hangad naman ng pamunuan ng Valenzuela City PESO na maging marami ang mga aplikante na ma-hire on-the-spot at magkaroon ng pagkakataong magtrabaho.
Eksaktong 9:30 ng umaga nang pormal na nagsimula ang Job Fair at natapos ng ika-3: 00 ng hapon. (DZXL Radyo Trabaho – RadyoMaN Ronnie Ramos)
Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014
Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!
#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS