Pagbasura sa isang estafa case, pinagtibay ng SC

Manila, Philippines – Pinagtibay ng korte suprema ang pagbasura ng Court of Appeals sa kasong estafa sa ParaƱaque City Regional Trial Court

Sa desisyon ni Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta, binigyang diin na nangyari ang krimen sa Makati City kaya walang hurisdiksiyon ang Paranaque court sa kaso.

Una nang kinasuhan ng estafa ni Ruel Francis Cabral si Chris Bracamonte matapos tumalbog ang tseke nitong nagkakahalaga ng 12 point 677 million pesos na inisyu nito para sa biniling shares of stock.


Naghain ng mosyon si bracamonte sa ParaƱaque court na ibasura ang kaso dahil sa isyu ng hurisdiksiyon pero iginiit na sa ParaƱaque city RTC na nangyari ang transaksiyon kaya may hurisdiksiyon ang ParaƱaque Court.

Facebook Comments