First quarter nationwide simultaneous earthquake drill, all set na

125
Manila, Philippines – All set na ang “first quarter nationwide simultaneous earthquake drill” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para ngayong taon.
 
Ayon sa NDRMMC – magiging sentro ng aktibidad ang Cebu City na gaganapin sa Marso 31, alas-2:00 ng hapon.
 
Bagamat sa Cebu ang sentro ng aktibidad, inaanyayahan ng NDRRMC ang lahat sa buong bansa na sumabay sa pag-duck, cover at hold at gamitin ang official hashtag na bida ang handa (#bidaanghanda).
 
Kalahok din sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ilang pribadong kumpanya.
 
Binigyang-diin ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na mahalagang ialertong muli ang kaalaman ng publiko sa mga dapat gawin tuwing may lindol lalo na kapag tumama ang ‘the big one’.


Facebook Comments