Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, dadagdagan pa

Manila, Philippines – Desidido si Magdalo Rep. Gary Alejano na dagdagan pa ang mga basehan ng impeachment complaint na inihain nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alejano, nire-review na lamang niya ang kanyang supplemental complaint at malapit na rin niya itong ihain sa Kamara.

Ang ginawang grounds sa supplemental complaint nito laban sa Pangulo ay betrayal of public trust pa rin.
Pinagbasehan ng reklamo ang sikretong kasunduan ng pangulo sa china at ang pagbibigay ng permiso sa china na pumasok sa benham rise para mag survey.

Giit ni Alejano,  hindi siya aatras sa pagpapa-impeach sa pangulo dahil pagkamuhi, pagdanak ng dugo at pagkakawatak-watak lamang ang dulot nito sa bansa.

Bagaman alam niyang numbers game talaga ang impeachment proceeding, umaasa pa rin ang kongresista na makikita ng kanyang mga kasamahan sa kongreso ang mabigat na basehan ng kanyang reklamo sa Presidente.


Facebook Comments