FIRST TIME | Isang black British, kinoronahan bilang Miss Universe-Great Britain

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinoronahan bilang Miss Universe-Great Britain ang black British na si Dee-Ann Kentish-Rogers.

Si Kentish-Rogers ay mula sa Aguilla na British territory sa Caribbean at nakapagtapos ng kursong law ngayong taon.

Nangibabaw ang ganda at talino ng 25-anyos na si Kentish-Rogers sa 40 na kandidata mula England, Scotland, Wales, Northern Ireland at British Overseas.


Unang sumabak sa mga pageant si Dee-Ann noong 2017 at nanalo bilang Miss Anguilla.

Nais niya ngayon na tutukan ang kanyang charity na may layuning magbigay lakas sa mga kababaihan na sakop ng mundo.

Facebook Comments