“TYRANT” | SONA ni PRRD, mapanlinlang – CPP founder Joma Sison

20

Manila, Philippines – Itinuturing ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na mapanlinlang ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sison, hindi niya nakita kay Pangulong Duterte ang pagsisisi sa mga hindi nito natupad na campaign promises.

Itinuturing ni Sison na ‘tyrant’ ang Pangulo lalo nang ihayag nito sa kanyang talumpati na magpapatuloy ang marahas at malupit na kampanya kontra ilegal na droga at krinimalidad.

Aniya, ginagawa ni Duterte na tila ‘kidnapper’ at ‘murderer’ ang mga pulis at kino-korap ang mga ito sa pamamagitan ng pera at rank promotion.

Facebook Comments