FIRST TIME | Paolo Ballesteros, thankful na makatrabaho sa pelikula si Maricel Soriano

Manila, Philippines – May dalawang bagay daw na sobrang ipinagpapasalamat ang actor/host na si Paolo Ballesteros sa upcoming comedy-drama movie niya na “My 2 Mommies”.

Una, dahil for the first time ay nakatrabaho niya ang diamond star na si Maricel Soriano.

Dati raw kasi ay napapanood niya lang ang aktres, pero ngayon ay ka-eksena na niya sa pelikula.


At pangalawa, wala silang slapping scene, kung saan kilala si Maricel sa paggawa ng totohanang sampal.

Biro pa ni Paolo, kung nagkataon ay talaga raw iiwas siya.

Samantala, ang pelikula ay directed by Eric Quizon na ipalalabas na sa Mayo kasabay ng mother’s day celebration.

Facebook Comments