FIRST TIME | Philippine Airforce, nagkaroon na nang unmanned aerial vehicle

Manila, Philippines – Nagkaroon na ng Unmanned Aerial Vehicle ang Philippine Airforce sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ay matapos na bumili nito ang gobyerno ng Pilipinas sa Amerika sa ilalim ng Foreign Military Financing Program na nagkakahalaga ng 13.7 million dollars o katumbas ng 685 million pesos.

Kanina isinagawa ang turn-over ceremony na dinaluhan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa Villamor Air Base ng mga equipment.


Sinabi ni Lorenzana gagamitin ang mga ito sa Internal Security Operations, Counter Terrorism, Maritime Patrol at ang pinaka-importante ay sa Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations.

Ito ay dahil bagyo ang dumarating sa bansa.

Sinabi naman ni Ambassador Kim na ang pagbebenta ng Amerika ng Aerial Vehicle ay bahagi ng commitment ng Amerika na tulungan ang Pilipinas sa Air Defense Program nito.

Facebook Comments