First tranche ng pondo para sa quarantine needs ng mga OFW, ilalabas na ng DBM

Ilalabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ang first tranche ng P9.8 billion supplemental budget na hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa quarantine expenses ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, nakapaloob dito ang pagkain, pamasahe at accomodation ng mga returning OFW.

Matatandaang ni-require ng Department of Health (DOH) ang mga biyahero, kabilang ang mga OFW, na sumailalim sa COVID-19 test sa ika-pito o ika-walong araw ng kanilang quarantine.


Samantala, simula May 2020, nasa 537,000 OFWs na ang nakauwi sa kani-kanilang probinsya.

Facebook Comments