Fiscal incentives reforms, pinaaaral ng mabuti ni PBBM sa DOF

Inutos ni Pangulong Bongbong Marcos kay Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na pag-aralan ang isinusulong na pagbabago patungkol sa fiscal incentives.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Secretary Diokno na nais nang pangulo na pag-aralang mabuti ang fiscal incentives reforms lalo’t may existing aniyang fiscal program 2028 na maraming demand for spending.

Punto raw ng pangulo, kapag namimigay kasi ng incentives ay mawawalan ng koleksyon ang gobyerno.


Kaya ayon kay Secretary Diokno, binago na nila ang pamamaraan ngayon.

Sa kasalukuyan ayon sa kalihim kapag ang isang kompanya ay nais mag-apply ng incentives dapat ay mag-apply sa Fiscal Incentives Review Board Office na nasa ilalim ng DOF at siya mismo ang chairman habang co-chairman ang Department of Trade and Industry (DTI) at miyembro ang Department of Budget and Management (DBM) at Office of the President.

Sa binagong tax reform packages magbibigay raw ito ng income tax relief sa majority ng mga tax paying community habang makakapag-generate ang pamahalaan ng dagdag na revenues dahil sa pagtaas ng tax sa lifestyle products at serbisyo na maco-consume ng nasa top 1% ng isang mayamang indibidwal.

Facebook Comments