Fish rental service – patok sa isang hotel sa Belgium

Belgium – Patok ngayon sa isang hotel sa Belgium ang kakaiba nilang pakulo lalo na sa mga taong feeling sad and lonely.

May special offer kasi sila para sa kanilang mga guest na kung tawagin ay “goldfish in a bowl”.

Sa halagang 3.50 euros o katumbas ng dalawang-daang piso, pwede nila itong rentahan para gawing libangan lalo na kapag mag-isa lang silang nagche-check in sa hotel para sa isang “staycation”.


Kwento ni David Dillen, manager ng hotel Charleroi Airport – layon ng kanilang fish rental service na i-surprise ang kanilang mga guest at iparamdam na hindi sila nag-iisa.

Katunayan, ilang taon na nila itong ginagawa at marami ang nagche-check in sa kanila para lang ma-experience ang kanilang goldfish in a bowl.

Facebook Comments