Daan-daang pasahero, stranded na sa ilang pantalan dahil sa Bagyong Kristine, ilang biyahe ng mga barko sa Bicol Region kanselado rin muna

Sa harap ng patuloy na paglapit ng sama ng panahon sa kalupaan ng bansa, ilang pasahero na ng mga pantalan ang stranded.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), hanggang kaninang alas-dose ng tanghali ay nasa 566 na pasahero ang hindi muna makabiyahe at nananatili sa mga pantalan batay sa datos ng Port Management Office Bicol.

May ilang biyahe na rin sa Albay at Masbate na kanselado muna dahil sa Bagyong Kristine.


Ito ay ang biyaheng:

Virac/San Andres, Catanduanes – Tabaco, Albay

Mobo – Pasacao, Aroroy – San Andres ng Kho Shipping Lines, at Masbate – Pilar ng Montengro Shipping Lines

Paalala ng PPA, makipag-ugnayan muna sa mga concerned shipping lines bago pumunta sa pantalan para maiwasan ang anumang abala.

Facebook Comments