FISH VENDOR, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG MANGATAREM

Arestado ang isang maglalako ng isda matapos magtagumpay ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa bayan ng Mangatarem.
Ang suspek ay nakilalang si Desmar Raposas residente ng Brgy. CBN sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng Gabi sa Brgy. Umangan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .23 grams at nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments