Fish Vendor, Arestado sa Pagbebenta ng 700 Gramo ng Marijuana

22

Cauayan City, Isabela- Kalaboso ang isang fish vendor matapos itong magbenta ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Ronald Butacan alyas ‘Nana’, 30 anyos, itinuturing na High Value Target (HVT), walang asawa at residente rin sa naturang barangay.

Sa ikinasang drug buybust operation ng pinagsanib pwersa ng PDEA Cagayan Police Provincial Office at PNP Tuguegarao City tinatayang nasa 700 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng Php84,000.00 ang nabili mula sa suspek.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Don Domingo Compact ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments