Traysikel Driver, Natimbog dahil sa Illegal na Droga

32

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga lagad ng batas ang isang traysikel driver matapos mahulog sa ipinain na operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Lourie Da Jose, 57 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Silawan Norte, Echague, Isabela.

Pasado alas 9:00 kagabi nang isagawa ang drug buybust operation ng PNP Reina Mercedes laban sa suspek kung saan ay positibong nabentahan nito ang isang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sa isinagawang body search sa suspek ay nakuha sa pag-iingat nito ang dalawa (2) pang piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, limang daang piso (Php500.00) na buybust money, pera na nagkakahalaga ng Php. 4,020.00 at mga personal na gamit gaya ng mga ID, pitaka at sling bag.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang naturang suspek kasama ang mga nakumpiskang item para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments