Fish vendor pinagbabaril patay sa Matalam North Cotabato

Patay ang isang fish vendor ng ito ay pagbabarilin sa bayan ng Matalam North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Nora Taligapin Salandang, 36 anyos at residente ng sitio Esmar barangay Marbel, Matalam.
Nangyari ang insidente dakong alas 11:45 ng umaga kamakalawa ng barilin ng hindi nakilalang suspect ang biktima habang abala ito sa pag aasikaso ng kanyang panindang isda sa palengke. Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.
Limang basyo ng bala mula sa cal.45 pistol ang narekober sa pinangyarihan ng krimen. Isa naman ang tinamaan ng ligaw na bala na hindi pinangalanan ang agad namang isinugod sa ospital.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments