Sobrang damit ng mga preso at ilang electric fan, kinumpiska sa ginawang surprise inspection ng BJMP sa Marikina City Jail

Marikina City – Nagsagawa ng surpresang Oplan Greyhound kanina ang Bureau of Jail Management and Penology sa Marikina City Jail.

Gamit ang mga drug-sniffing dog, masusing ininspeksiyon ng BJMP kasama ang ilang tauhan ng PDEA ang mga gamit ng mga preso.

Wala namang nakuhang kontrabando pero kinumpiska ang sobrang damit ng mga preso at ilang electric fan na nagiging ugat ng away ayon sa mga jail officer.


Aminado naman silang malaking problema pa rin ang sobrang siksikan sa pasilidad, na may kapasidad lang na 96 na tao kada selda pero umaabot ng halos 200 ang nakapiit.

Facebook Comments