Fishball vendor, arestado matapos mang-harass sa Makati

Makati City – Arestado ang isang fishball vendor matapos ang pangha-harass sa anak at manugang na babae ni Chief Justice Lucas Bersamin sa Barangay Bel-Air, Makati City.

Ayon sa manugang ng punong mahistrado, naglalakad siya nang pilitin siya ng vendor na bumili ng kanyang paninda.

Aniya, sinundan siya ng suspek dahilan para magpasaklolo siya sa kanyang asawa na si Lucas Bersamin, Jr.


Habang nakikipagtalo ang batang Bersamin ay umasta umano ang vendor na tila may bubunutin mula sa kanyang bewang.

Dahil dito, agad humingi ng tulong si Bersamin Jr. sa pulisya na nagresulta sa pagkaaresto ng fishball vendor.

Hindi naman nakitaan ng armas ang vendor pero mahaharap pa rin ito sa reklamong unjust vexation at threat.

Facebook Comments