Higit P3-M halaga ng shabu, nasabat sa Maynila

Manila, Philippines – Nasabat sa ikinasang buy-bust operation ang kalahating kilong hinihinalang shabu na nakalagay sa pakete ng tsaa sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang shabu na nakuha sa 18 taong gulang na lalaking suspek na miyembro umano ng isang grupong konektado sa isang malaking Chinese drug syndicate.

Depensa ng inarestong lalaking nagpakilalang taga-Marawi City, ibinigay lamang sa kaniya ang kontrabando kapalit ng P5,000.


Naniniwala naman ang PDEA na may mas malaking sindikato sa likod ng suspek.

Facebook Comments