Fisherman call service na perfect sa mga tamad bumangon sa umaga – tampok sa Japan

Japan – May mga taong hirap na hirap gumising sa umaga pero hate na hate namang makarinig ng alarm ng orasan.

Dahil diyan, isang bagong paraan ng panggigising sa umaga ang ginagawa ngayon ng grupong fisherman Japan at ito ay tinawag nilang “Fisherman Call”.

Dito, literal kang makakatanggap ng tawag mula sa mga mangingisda na siyang gigising sayo sa umaga.


Kailangan mo lang i-register sa isang cellphone app ang iyong pangalan, contact number at ang oras ng gising mo.

Ayon sa naturang organisasyon, bukod sa layong tulungan ang mga taong hirap gumising sa umaga, layon din ng Fisherman Call service na ibalik ang interes lalo ng mga kabataan sa industriya ng pangingisda.
DZXL558

Facebook Comments