Winwyn Marquez – itinangging engage na sila ni Mark Herras

80

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng aktres na si Winwyn Marquez na hindi pa sila engaged ng boyfriend na si Mark Herras.

Buwan ng February nang maging laman ng balita ang larawang ipinost noon ni Mark sa instagram kasama si Winwyn kung saan gumamit siya ng ring at heart emoji bilang caption.

Pero say ng aktres, bagama’t napag-uusapan nila, hindi naman daw ibig sabihin no’n ay engaged na sila.

Aminado naman si Winwyn na gusto niya kapag napag-uusapan nila ang tungkol sa planong pagpapakasal someday dahil para sa kanya, sign ‘yun na seryoso sa kanya ang isang lalaki.

Facebook Comments