Fishing ban, ipatutupad ng pamahalaan para matugunan ang problema sa overfishing

Plano ng pamahalaan na magpatupad ng fishing ban at iba pang mga hakbang para matugunan ang problema sa overfishing at maparami ang fish population at aquaculture sa bansa.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng isda sa bansa.

“Kung minsan kailangan ‘wag uubusin yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya yun yung tinitingnan natin ngayon,” ayon sa pangulo.


Sinabi ng pangulo na mayroong mga lugar na hindi dapat gawin palaisdaan dahil ang mga ito para sa breeding o pagpapadami ng mga isda.

Ayon sa pangulo, ang pag-develop ng agrikultura sa bansa ay hindi nakasentro lamang sa suplay ng bigas at mais kundi maging sa pagpapabuti ng fishery at livestock sectors.

“Kaya’t kasama sa ating development plan ang mga fisheries dahil nang bumaba ang dalawang bagay: bumababa ang ating nahuhuli, ng ating mga mangingisda dahil nasira na ‘yung mga kung saan pinalalaki ang mga isda,” dagdag pa ng pangulo.

Sinabi ng pangulo na magpapatupad din ng mga programa ang administrasyon hinggil sa pagptatayo ng mas maraming cold storage facilities upag maiwasan ang pagkasira ng mga produkto.

Sa mga maliiit naman na bagsakan ng isda ay maglalaan ang gobyerno ng pagawaan ng yelo upang magamit ng mga mangingisda.

Facebook Comments