FIST Bill, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference committee report ukol sa panukalang Financial Institutions Strategic Transfer o FIST Bill na layuning makatulong sa mga bangko at financial institutions na makatugon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairperson Senator Grace Poe, tutulungan ng FIST Bill ang mga financial institutions na ibenta ang kanilang non-performing assets.

Diin ni Poe, daan ito para mapatibay ang kumpyansa ng mga investor at depositor at maibsan ang epekto ng kasalukuyang krisis dulot ng pandemya.


Sabi ni Poe, kapag naging maayos kondisyon ng financial institution ay siguradong matutulungan nitong maisalba ang mga negosyo at nasa 3.5 milyong trabaho sa bansa.

Facebook Comments