Patuloy na bumubuti ang internet internet service sa bansa.
Batay sa Ookla Speedtest Global Index, ang internet average download speed ng Pilipinas ay lalo pang bumilis.
Ang fixed broadband speed ay nakapagtala ng pagtaas na 71.17Mbps noong July 2021 kumpara sa 66.55Mbps noong Hunyo.
Ayon sa Ookla, nagpapakita ito ng 6.94 percent na month-to-month improvement sa download speed para sa fixed broadband at 799.75% na improvement mula nang magsimula ang Duterte administration noong 2016.
Ayon pa sa ulat n gOokla, bumuti din ang mobile speed noong Hulyo dahil umabot sa 33.69Mbps ang naitalang download speed kumpara sa 32.84Mbps noong Hunyo.
Kumakatawan ito sa 2.59% na month-to-month improvement para sa mobile internet at improvement na 352.82% mula nang mag-umpisa ang Duterte administration.
Ang fixed broadband speed sa Pilipinas ay pang-63 na ngayon mula sa 180 na bansa sa mundo. Habang pang-72 naman mula sa 139 na bansa sa mundo pagdating sa mobile internet.
Sa 50 mga bansa naman sa Asya, nasa pang-17 ang Pilipinas sa fixed broadband at pang-23 sa mobile.
Sa 46 na mga bansa sa Asia-Pacific, pang14 ang Pilipinas sa sa fixed broadband at pang-13 sa mobile.
At sa 10 mga bansa sa ASEAN, panglima ang Pilipinas sa sa fixed broadband at mobile internet.
Magugunitang noong July 2020, matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat pabilisin ang pag-iisyu ng permit ng LGUs sa pagtatayo ng mga tower, ay malaki ang itinaas ng mga permit na naipapalabas.