Naitala ang pinakamabilis na fixed broadband average download speed nitong Marso.
Batay sa bagong Ookla Speedtest Global Index Report, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 20.25% na pagtaas sa fixed broadband download speed, mula sa 38.46% megabits per second (Mbps) noong Pebrero patungong 46.25 Mbps nitong Marso.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ito ang pinakamalating talon sa fixed broadband average download speed mula noong 2016.
Nasa 484.70% ang itinaas kumpara sa download speed ng bansa noong 2016 na nasa 7.91 Mbps.
Para sa mobile network average download speed, bahagyang bumaba mula sa 26.24 Mbps noong Pebrero sa 25.43 Mbps nitong Marso.
Gayumpaman, umakyat ng 11 pwesto ang Pilipinas sa rank 81 para sa fixed broadband internet speed nitong Marso, na may download speed na 46.25 Mbps at upload speed na 45.13 Mbps.
Pero bumaba ng tatlong pwesto ang bansa sa mobile internet speed sa rank 86.