Nograles, iginiit na masyado pang maaga para sabihin ang magiging quarantine classification sa NCR+ sa Mayo

Masyado pang maaga para malaman ang magiging quarantine classification sa NCR plus bubble para sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa nila masabi kung luluwagan ang restriction sa NCR plus.

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay gagawa ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa huling linggo ng Abril.


Ang pamahalaan ay nakatuon ngayon sa pagpapalakas ng hospital bed capacity ay manpower.

Ang pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa pribadong ospital sa kung paano maitataas ang kanilang human resources.

Ang NCR plus at Quezon Province ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang April 30.

Ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur ay nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified GCQ.

Facebook Comments