Aprubado na sa National Defense and Security ang substitute bill na layong bigyan ng fixed-term ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at iba pang mahahalagang posisyon sa hukbong sandatahan.
Nakapasa sa “subject to style and amendments” ang walong panukala na may layuning palakasin ang professionalism at matiyak na tuloy-tuloy ang mga polisiya, proyekto at modernisasyon sa AFP.
Inaalis sa panukala ang nakasanayan na “revolving door policy” sa organisasyon kung saan mga karapat-dapat ang itatalaga upang maprotektahan ang organisasyon at ang selection process ng military ranks mula sa political at personal considerations.
Sa ilalim ng panukala ay gagawing tatlong taon na ang “tour of duty” ng Chief of Staff, Vice COS, Deputy COS at iba pang major service commanders sa Army, Airforce at Navy.
Inaalis na rin ang compulsory retirement age na 56 taong gulang, ibig sabihin ay kailangang tapusin ng isang opisyal ang kaniyang termino at makakapagretiro lamang ang mga ito pagkatapos ng kanilang termino maliban na lamang kung sinibak o hindi pinayagang maluklok sa “table of organization” ng AFP.
Binibigyan naman ng apat na taong termino ang maitatalagang Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) pero hindi ito eligible sa anumang posisyon na sa AFP at kinakailangang magretiro rin pagkatapos ng term.