FIXER | Mas mabigat na parusa sa mga empleyado ng gobyerno na suma-sideline, ibinabala

Manila, Philippines – Binalaan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kawani ng gobyerno na sangkot sa “fixing” na mas mabigat na parusa ang naghihintay sa mga ito sakaling mahuli sila sa kanilang ginawa.

Ayon kasama na ngayon sa mga kasong isasampa sa mga taga-gobyerno na mahilig mang-ayos ng mga papeles at iba pang mga rekisitos sa transaksiyon sa pamahalaan ang Republic Act 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007.

Paliwanag ng CSC, ang mga karagdagang asunto ay para matiyak na nasa tamang lugar, pagkilos at pagtugon sa kani-kanilang tungkulin ng mga goverment employee.


Paraan din ito para matiyak na magiging patas at walang bahid ng pulitika at mga personal na dahilan ang pagsisilbi ng mga taga-gobyerno sa taumbayan.

Parusang 30 araw na suspensiyon ang ipapataw sa unang paglababag habang tatlong buwan na suspensiyon na walang suweldo ang kaparusahan.

Pagkakatanggal naman sa serbisyo at hindi na kailanman magtrabaho pa sa gobyerno ang ipapataw sa pangatlong paglabag.

Bukod pa rito mas mabigat na rin ang mga parusa sa sinumang lalabag sa mga palatuntunan at patakaran ng CSC gaya ng anim na buwang suspensiyon at isang libong pisong multa kada violation.

Facebook Comments