Fixer ng LTO at LTFRB, huli sa entrapment operation sa Taguig City

Manila, Philippines – Huli sa isang entrapment operation ang isang fixer ng LTO at LTFRB sa Taguig City.

Ayon sa biktimang si Arlene Mercadera, 2013 pa nang magpalakad sila ng prangkisa sa suspek na si Emelita Amorin pero hanggang ngayon ay wala pa ito.

Aniya, daan-daang libo ang nakuha sa kanila ng suspek.


Todo tanggi naman si Amorin na nahaharap sa kasong estafa.

Payo naman ng mga otoridad sa publiko na mismong sa tanggapan ng LTO at LTFRB magtungo para hindi maloko ng mga fixer.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments