Flag Ceremony ng Isabela Palaging Masaya

Ilagan, Isabela – Internasyunal ang dating ng kada unang Lunes ng buwan na flag ceremony ng Isabela sa harap ng kapitolyo ng lalawigan.

Ito ay sa kadahilanang kinikilala at binibigyang ng premyo ang mga empleyado na may pinakamagandang ASEAN inspired costume.

Ayon sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Isabela Information Officer Jessie James Geronimo, ang kada unang Lunes ng buwan na aktibidad ay bilang pagtalima sa direktiba ng Civil Service Commission na manamit ng ASEAN inspired na kasuutan bilang pakikibahagi sa chairmanship ng Pilipinas sa ika 50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.


Ang pagkilala sa mga kawani ng kapitolyo na nagsusuot ng damit ASEAN ay ginagawa bago matapos ang flag ceremony na siya namang ikinakagalak ng mga empleyado.

Ang naturang regular na aktibidad ng Isabela ay nagsimula noong Agosto at sasabay ang pagtatapos nito sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN 50 Anniversary sa susunod na taon.

Ang mga nabigyan ng pagkilala at premyo sa nakalipas na dalawang buwan ng naturang programa ay sina Mac Navarro at Eleanor Dy noong Agosto 7, 2017 samantalang noong Setyembre 4, 2017 ay sina Marlo Angel at Ma Theresa Vicente.


Facebook Comments