Caloocan City – binansagang “killing field” dahil sa sunod-sunod kaso ng pagpatay sa mga kabataan sa mga anti-drug operation

Caloocan City – Dismayado si Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice sa nagiging imahe ng Caloocan na isa na raw “killing field”.

Ito ay matapos ang magkasunod na pagkamatay nina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz na parehong napatay sa operasyon ng Caloocan PNP.

Bukod pa ito sa ilan pang kaso ng patayan ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan.


Hinala ni Erice, ang mga pulis din ang nasa likod ng mga ito.

Mungkahi niya, bumuo ng komisyon na siyang magre-review sa war on drugs ng pamahalaan.

Facebook Comments