Flag Raising Ceremony sa Cauayan, Muling Binigyan Pansin ng City Administrator!

Cauayan City, Isabela – Muling pinaalalahanan ni City Administrator Jose Abad ang lahat ng empleyado ng City Government na tumalima sa circular order ng Civil Service coimission partikular ang tamang pagsusuot ng ID, uniform at ang regular na pagdalo ng Flag Raising Ceremony sa tuwing araw ng lunes.

Sinabi pa ni CA Abad na ang attendance sa flag raising ceremony ay balido rin mula sa civil service circular no.14 taong 2000.

Binigyan diin pa ng City Administrator na eksakto alas otso ng umaga ang flag ceremony at ang flag retreat ay alas singko ng hapon.


Ipinaliwang pa ng naturang opisyan ng city government na walang rason ang lahat para mahuli sa oras kung saan dapat umano ipatupad ang Cauayan City Time o CCT.

Ang hakbanging ito ng City Administrator ay dahil sa nakalipas na linggo ay may mga empleyado pa umano na hindi sumusunod sa memorandum na ibinaba nya sa mga department heads ng city government.

Facebook Comments