Ginang, Arestado sa Buy Bust Operation!

Tumauini, Isabela- Arestado ang isang ginang sa isinagawang buy bust operation matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng shabu kamaylan sa Barangay Lingaling, Tumauini.

Kinilala ang suspek na si Richelda Dolendo 39 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Tumauini mula sa isang police asset na ang suspek ay naghahanap ng kustomer.


Agad namang kumilos at nakipag-ugnayan ang PNP Tumauini sa PDEA upang magsagawa ng buy bust operation kung saan isang agent ang nagpanggap na bibili ng naturang shabu na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nakumpiska mula kay Dolendo ang isang limang daang piso, isang piraso ng boodle money at isang plastik ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng isang libo’t limang daang piso.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kaukulang parusa.

Facebook Comments