Magpapatuloy ang maritime patrol activities ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng mga pinapakawalang flare warning ng China.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – karaniwan na itong ginagawa ng China.
Aniya – Pebrero pa ito nangyari at nai-report na nila ito sa National Task Force on the West Philippine Sea at sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pero ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Reuben Basiao – mula Enero hanggang Hunyo 2019 anim na flare warning na ang natatanggap ng Philippine maritime patrol mula sa China.
Nag-deploy din aniya ang China ng 17 research vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas para harangin ang pagpapatrolya at reprovision missions ng bansa sa WPS.
Tiniyak naman ng DFA na agad itong maghahain ng diplomatic protest laban sa China sa sandaling kumpirmahin ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang insidente.