FLASH FLOODS | Daan-daang tao nawawala o pinaniniwalaang patay matapos mag-collapse ang isang dam sa Laos

1112

Laos – Daan-daang tao ang naitalang nawawala o pinaniniwalaang patay matapos masira at bumigay ang itinatayong hydropower dam sa Laos.

Ayon sa Lao News Agency, higit 6,600 tao ang nawalan ng tirahan.

Patuloy ang pagsagip at paglikas sa mga apektadong residente lalo na sa 12 nayon.

Sinuspinde na ni Lao Prime Minister Thonloun Sisoulith ang mga government meeting at inatasan ang mga miyembro ng kanyang gabinete na masusing i-monitor ang relief efforts sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments