NBA | Tony Parker, opisyal nang pumirma ng kontrata sa Charlotte Hornets

105

NBA – Opisyal nang pumirma ng kontrata sa Charlotte Hornets si Four-Time NBA Champion Tony Parker.

Hindi naman idinetalye ang kasunduan pero lumabas sa mga ulat na pumayag si Parker sa isang two-year deal na nagkakahalagang $10-milyon.

Makakasama niya sa Hornets si coach James Borrego na naging assistant coach ng San Antonio Spurs.

Matatandaang 17 seasons naglaro sa San Antonio Spurs si Parker kung saan apat na beses silang naging kampeon 2003, 2005, 2007 at 2014 season.

Facebook Comments