FLASH MOB | Back to Reading campaign ng QC government, idadaan sa sayaw!

22

Quezon City – Idadaan sa sabayang pagsayaw ng Quezon City Government ang kanilang proyektong “Back To Reading Campaign”.

Sa abiso ng Quezon City Public Library-Children’s Section, lahat ng miyembro ng kanilang “Lib-And-Rary Children’s Book Club” ay lalahok sa flash mob.

Layon nitong i-promote ang kanilang Back To Reading Campaign kung saan hinihikayat ang mga kabataan na ugaliin ang pagbabasa ng libro.

Isasagawa ang flash mob bukas (APRIL 10) sa QCPL lobby, April 11 sa Quezon City Hall Lobby at sa April 12 sa Quezon Memorial Circle.

Lahat din ng miyembro ay inaanyayahang dumalo sa orientation para sa kanilang summer art workshop.

Facebook Comments