Flash Report: Barangay Patitinan in CamSur Landslide – 1 Father Survived, Wife and 10 Children Dead; Others Up To 50 Feared Dead.

Pinangangambahang aabot sa 50ng residents ang natabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Patitinan, bayan ng Sagnay sa Camarines Sur dulot ng ulan na dala ni TD Usman.
Sa report na ipinaabot ni Kasamang Audie Concina na nakabase sa Partido District, Camarines Sur, sa Sitio Igot, 13 na ang nakuhang mga bangkay samantalang may 8 pang napapaulat na missing; Sa Sitio Garang naman 19 pa ang iniulat na missing, samantalang sa Sitio Crossing , 1 ang nakuhang patay samantalang may iba pang napapaulat na missing.
Isang tatay ng sitio Igot ang na-interview ni Kasamang Audie Concina kung saan ipinahayag ng amang survivor na naguhuan ng lupa ang kanyang pamamahay kung saan namatay ang kanyang asawa at 10 anak.
Isang survivor pa ang nagpahayag na ang pamilya Tipono sa Sitio Igot ay halos maubos din kung saan nakasurivve ang tatay subalit sinawimpalad na nasawi ang asawa at 6 na anak na ang bunso ay nagkakaedad pa lamang ng 3 buwan.
Patuloy pa ang rescue and retrieval operation na isinasagawa ng LGU-MDRRMO Sagnay led by Mayor Evelyn Fuentebella, DPWH 3rd Engineering District led by Engr. Gemma timbang, Phil Cost Guard, Red cross at iba pang volunteer groups. Tumutulong din ang LGU-Tigaon led by Mayor Chique Fuentebella.
Sa dagdag pang ulat ni Kasamang Audie Concina, sa Sitio Garang, tinatayang nasa 6 hectares na lupa ang gumuho at pinangangambahang nasa 10 bahay ang mga natabunan ng lupa.
Hindi pa naabot ng mga rescuers ang Sitio Garang dahil sa sobrang hirap ng daanan at may kalakihan ang nasabing Sitio.
Subaybayan sa RMN Naga-DWNX ang detalye ng mga pangyayari at mga pangalan ng mga biktima at survivors sa balita alas 7 bukas ng umaga.
Sa post ni Bert Renta, “Padagus Ang ginigibung clearing operation kan dpwh sa barangay patititnan..para maabot ang sitio igot kun sain Yaun ang mga biktima kan landslide..walo na Ang kumpirmadong gadan sa barangay patitinan..nin huli kan bagyong usman”



Facebook Comments