Flawless, Nagbukas sa Tuguegarao

Tuguegarao City, Cagayan – Nagbukas ang Flawless Face and Body Clinic, Incorporated (Flawless) sa SM Tuguegao Downtown.

Ang naturang sangay ay isa sa mahigit 45 na klinika sa buong bansa na nagbibigay serbisyo sa mga nais i-angat ang kanilang kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng pagapapaganda.

Ang Flawless Face and Body Clinic ay itinatag noong Disyembre 8, 2001 ay nagbukas ng kanilang kauna unahang sangay sa Tugegarao city noong Pebrero 4, 2018.


Mas lalong naging bongga ang kanilang pagbubukas sa pamamagitan ng Mall Show ng kanilang brand ambassador na Zeus Collins.

Binuksan ang programa ni Ellisha Alino ng Flawless Manila sa pamamagitan ng pag-papaabot ng pagbati at kagalakan sa kanilang bagong sangay sa Tuguegarao.

Kasabay nito ang pamimigay premyo at kasayaan sa mga parokyano na dumalo sa naturang event.

Magugunita na ang Flawless ay kinilala bilang Outstanding Retailer of the Year noong 2009 at 2012.

Tumanggap din ito ng pagkilala mula sa International Association of Business Communicators (IABC) at ang 2012 CEO Excel Award sa kanilang CEO na si Rubby Sy.

 

 

Facebook Comments