Flexible work arrangement ng mga government employee, magiging permanente na

Pinag-aaralan na ng Civil Service Commission (CSC) na gawing permanente ang alternatibo at flexible work arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ipapatupad ang flexi-workplace kahit walang pandemya.

Aniya, ang CSC Memorandum Circular No. 18 of 2020 sa alternatibo at flexible work arrangement ay epektibo lamang sa panahon ng public health emergency, na nakatakdang matapos sa Setyembre ngayong taon.


Kasama sa flexi-workplace ang work-from-home, skeletal workforce, 4-day work week, staggered working hours, at kombinasyon ng apat.

Facebook Comments