Mga suspek sa pag-atake sa 2 Pinoy sa New York, arestado

Naaresto na ang suspek sa pag-atake sa isang 53-anyos na Pilipino sa Midtown Manhattan, New York City noong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Rasheed Osundairo, 30 taong gulang, na naaresto sa isang istasyon ng tren.

Ang pagkakahuli kay Osundairo ay kasunod ng pagkakaaresto kay Dominick Staton na suspek naman sa pag-atake sa isang 73-anyos na Pilipino sa 8th Avenue at 40th Street, New York City.


Nabatid na 10 beses nang naaresto si Staton sa magkakaibang paglabag sa batas kagaya ng arson at robbery.

Samantala, magpapadala naman ng diplomatic note sa State Department ang Philippine Embassy tungkol sa mga napapaulat na insidente ng Asian hate crime sa naturang bansa.

Facebook Comments